Statement at the Senate Committee on National Defense and Security hearing on red-tagging

 

Statement at the Senate Committee on National Defense and Security 
by Cristina Palabay, Karapatan Secretary General
November 24, 2020

 

Magandang araw po, Mr. Chair.

Narito po ako para i-present ang aming mga pagtingin tungkol sa red-tagging at mga nakita naming implikasyon nito sa lives, security at liberty ng mga indibidwal at/o grupo na nakaranas o nakakaranas nito.

Kumakatig po kami sa human rights at international humanitarian law at lahat ng paglabag dito ay aming pinupuna. Bilang isang human rights NGO, papel at mandato po namin ang i-monitor ang compliance ng State sa human rights obligations nito, dahil nakalahad po ito sa international at national human rights instruments natin – na ang estado ang primary dutybearer ng mga karapatan ng mamamayan. Kaya naman po ang aming tinutulungan ay mga biktima ng State actors, habang nirerefer namin ang mga alegasyon sa paglabag ng karapatang pantao ng tinaguriang “non-State” forces sa mga ahensya ng gobyerno, na ‘di hamak na mas malaki ang resources sa amin sa pagtugon sa mga kasong ito. Mayroon ding isang tanggapan na maaaring magdulog ng mga ganitong reklamo sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law o CARHRIHL na kung saan mismo ang mga militar, kapulisan, mamamayan ay naghahapag ng naturang reklamo.

Marami po kaming natulungan na biktima ng extrajudicial killings, enforced disappearance, torture, illegal arrests at iba pa. Ang ilan po rito ay mga kaanak nina Karen Empeno, Sherlyn Cadapan at ni Jonas Burgos sa pagdukot ng kanilang mga anak – at ang pagka-convict po ni Gen. Jovito Palparan, na notorious na red-tagger noong nakaraang dekada, ang isa sa mga naging kaganapan dito. Dahil sa amin ding trabaho bilang human rights workers, nalalagay kami sa mapanganib na sitwasyon, na humahantong sa pagpatay sa ilan sa aming mga miyembro.

UN Human Rights Committee na po ang nagsabi ng kanilang pagtingin na may pananagutan ang estado sa pamamaslang sa amin pong human rights workers tulad ni Eden Marcellana at Benjaline Hernandez, matapos silang i-red-tag nung Koronel pa lamang si Palparan.

Ngayong kasalukuyang administrasyon, si Pangulong Duterte po mismo ang primarily nangrered-tag sa amin, sa speeches at pronouncements niya. Tinawag pa nga kaming organisasyon ng mga demonyo. Kaya naman, kahit UN Special Procedures po ay nagpahayag ng kanilang pagkabahala sa red-tagging, dahil sa aming pagtingin at sa kanilang independyenteng pagsusuri, nag-iincite po ito ng karahasan at paglabag sa lives, liberty at security ng mga tao o grupong nakakaranas nito.

Matapos pong patayin si Atty. Benjamin Ramos na volunteer human rights lawyer ng Karapatan sa Negros at si Escalante City Councilor Bernardino Patigas Sr. na human rights worker din namin, pumunta po kami sa Korte Suprema para ma-avail namin ang writ of amparo at habeas data. Ang nakakalungkot po dito, umabot na sa tatlong human rights workers namin ang pinaslang mula nang maifile namin ang petisyong iyon, habang nakabinbin pa rin ang petition for review namin sa Supreme Court para dito, taliwas sa sinasabi ni Usec. Badoy na dinismiss na ng nasabing Korte ang mga kaso laban sa kanya at maging kay Gen. Parlade.

Kami po ay lubos na nalungkot sa pagpaslang kay Atty. Ben, dahil nakasama namin sya sa paghandle ng mga kaso ng mga magbubukid sa Negros, gayundin sa pagpaslang kay Tay Toto Patigas, na siyang kasama namin sa factfinding missions sa mga komunidad sa Negros. Nalagay po ang mga mukha at pangalan ni Atty. Ben at ni Tay Toto sa isang poster na nakadisplay sa mga pampublikong lugar sa Moises Padilla, Negros Occidental na nangrered-tag sa kanila, kasama ang isang hotline number sa police station. Inamin ni Negros Occidental Police Provincial Office Director PS Supt. Rodolfo Castil Jr. na inutos niyang i-circulate ang poster na yan sa Negros Occidental.

Noong pinaslang po ang human rights workers namin sa Sorsogon na sina Ryan Hubilla at Nelly Bagasala noong June 2019, kami ay muling nagluksa. Magtetestify po sana si Ryan sa Court of Appeals noon, nang siya ay pinatay. Si Ryan ay isang 20-year old na student volunteer sa aming chapter sa Sorsogon, at masugid at magaling na paralegal. Balak nga po niya sana ay mag-aral ng law at sumubok maging abugado at sa kanyang pagkamatay, maraming mga nanay sa mga komunidad sa Sorsogon ang nagdalamhati dahil itinuring na nilang anak si Ryan. Kumare naman ang turing ng mga nanay sa komunidad ke Nay Nelly, isang lider-magsasaka sa Sorsogon na naging human rights worker namin.

Nitong Agosto, pinatay po si Zara Alvarez, isang paralegal ng Karapatan sa Negros, matapos ang napakaraming pagkakataon na siya ay nared-tag. Kasama rin ang picture ni Zara sa poster kung saan nakalagay ang mga mukha ni Atty. Ben at ni Tay Toto. Zara is a very dear colleague, who overcame numerous challenges, including the care of her daughter and the security of her family, when she was red-tagged.

I myself have been subjected to death threats, threats of sexual violence and misogynist statements, and a reprisal suit in my capacity as Karapatan’s Secretary General doing human rights work here in the Philippines and advocacy work in international platforms such as the UN Human Rights Council.

Inuulit ko po ulit — red-tagging puts people’s lives, liberties and security on the line, at hindi po ito isang harmless statement o post lang sa Facebook.

Ang aming human rights workers na pinatay ang patunay rito at ganito rin po ang pattern sa iba pang kaso ng extrajudicial killings. Ang mga sundalo po at mga opisyal ng gobyerno ang paulit-ulit na nagbigkas ng kanilang mga pangalan at ng mga organisasyon nila sa media, mga forum sa mga eskwelahan at iba pang lugar, nakaplasta sa mga kalye at ikinakalat ang mga flyer na andun ang mga pangalan nila, nag-aakusa sa kanila na sila ay mga kriminal, mga demonyo, mga NPA, at nananawagan na sila ay sugpuin.

Sinurveillance sila, nakatanggap sila ng mga death threat sa cellphone at personal messages nila, tapos sila po ay pinatay. Hindi naman po siguro coincidence lang ito, na ang 185 human rights defenders na pinatay in the past four years, out of the 328 na sibilyan na nadocument na pinaslang sa counterinsurgency operations ay nired-tag, pinagbantaan, sinurveillance ng mga sundalo bago sila patayin.

Hindi rin po siguro coincidence na halos lahat ng kasong ito ay walang kinahinatnang masinop na imbestigasyon na humantong sa pagkakulong ng mga maysala. May Administrative Order No. 35 at task force daw po na nagiimbestiga sa mga pagpaslang na ito, pero marami kung hindi man kalakhan ng mga kasong ito ay walang substantial na resolusyon sa mga kaso.

Ang isa rin sa pinakamalalang halimbawa ng masamang epekto ng red-tagging ang ifinile na kaso ng Department of Justice proscribing the CPP and NPA along with a list of more than 600 names, including the UN Special Rapporteur on the Rights of Indigenous Peoples and many indigenous people’s leaders, activists, peace advocates and rights defenders. Inamin mismo ng DoJ na hindi nila na-validate ang mga isinamang pangalan at nagmula lamang ito sa NICA, pero sabi nga nila, the damage has been done. The targets were placed on the backs of those in the list. Many of the names were taken off the list after the strong campaign and legal petitions of their counsels, but three of them were killed after – Randy Malayao, Randy Echanis and Zara Alvarez. 

Ito po ang mayor na problema sa red-tagging: walang pagkilala sa distinction sa isang combatant at isang civilian, sa isang aktibista at sa may armas. Noong report pa po ni UN Special Rapporteur Philip Alston noong 2007, sinabi na niya yan. Bakit pinagpapatuloy pa?

Binanggit din ni Prof. Alston na ang counterinsurgency programs na may pokus kapwa sa civil society leaders ng mga tinagurian ng gobyernong front groups at sa grupong armado ay tumutungo sa extrajudicial killings, na nagiging routine na o systematic. Kaya mariin din niyang nirekomenda na dapat tanggalin ang extrajudicial killings sa counterinsurgency operations, laluna na ang humahantong sa targetting at execution ng mga indibidwal na bahagi ng civil society organizations.

Ipinanawagan na rin po ni UN High Commissioner for Human Rights Michelle Bachelet sa gobyerno ng Pilipinas na itigil at ikundina nito ang “incitement to hatred and violence and other harmful, threatening and misogynistic rhetoric against human rights defenders and other critics of the Government, both offline and online.”

Sa UN Declaration on Human Rights Defenders, na isa ang Pilipinas sa mga unang nag- adopt, ang mga tampok na karapatan ng mamamayan na nilalabag ng red-tagging ay ang karapatan ng kahit sinong mamamayan na nagtataguyod ng karapatang pantao sa freedom of assembly and of association, sa free expression, sa proteksyon at effective remedy.

We emphasize – red-tagging is anathema to a democracy. The promotion and conduct of such acts attempt to invalidate, muffle and silence the views and work of human rights defenders, activists, and advocates of social causes, and the peoples’ exercise of basic rights and fundamental freedoms. Practically any thought, dissent, watchdog role and protest on government policies is susceptible to or has been met with red-tagging.

Even CNN Philippines, which reposted the call for donations of the League of Filipino Students, has been red-tagged. Filmmakers who were going around schools for viewing of films related to martial law have been red-tagged. Schools have been red-tagged. Journalists have been red-tagged. Lawyers, paralegal and human rights workers have been red-tagged. Artists, influencers, humanitarian organizations such as Oxfam and Caritas have been red-tagged. Bishops and nuns have been red-tagged. Urban poor communities, indigenous peoples, workers, students, government employees, health workers have been red-tagged. Legislators and local governments have been maligned by the NTF-ELCAC because they have spoken against red-tagging.

Kaya nga kahit ang Commission on Human Rights ay naglabas na ng rekomendasyon, matapos ang isang independent public inquiry na kanilang ginawa na dapat itigil ng Executive branch ang red-tagging and labelling HRDs bilang terrorists or enemies of the State, based solely on the fact that such individuals and organizations are HRDs.

Napakatalamak na po ng practice na ito, Mr. Chair, at dahil maraming sektor na ang nirered-tag, lumalakas ang paniniwala na ginagawa ito para patahimikin ang oposisyon o ang malayang pag-iisip at pamamahayag dito sa ating bansa.

Kaya nga po ito ang tanong – marami na ang dati pang nagrekomenda nito pero bakit ipinagpapatuloy pa ang practice at polisiya na direktang lumalabag sa karapatan ng mamamayan? Hanggang kailan at ilan pa po ang mapapatay sa aming mga human rights worker at ibang sektor pa bago matapos ang red-tagging na ito?

Hindi po makukumpleto ang presentasyon kong ito kung wala ang mga boses ng mga biktima mismo ng red-tagging, Mr. Chair, kaya naman akin pong ipagpapatuloy na at ipakikilala sila para magbigay ng kanilang mga testimonya. Heto po ang testimonies, sisimulan natin sa video testimony ni Ms. Clarissa Ramos, ng mga biktima at kaanak nila.