Dalawang taon na ang lumipas mula nang magsimulang dumanak ang dugo sa mga kamay ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng noo’y hepe ng Philippine National Police sa Central Visayas na si Debold Sinas – dugo ng mamamayang pinaslang sa bisa ng Memorandum Order No. 32 na nagbigay-daan sa pagdaragdag ng pwersa ng militar at kapulisan sa Negros, Samar, at Bicol.

Nananatili mang mailap ang hustisya para sa mga naging biktima ng pasistang rehimen sa paglipas ng dalawang taon, nananatiling maigting ang ating paninindigan sa panawagang pagsasawalang-bisa ng kautusang naging dahilan upang mas damhin ng mamamayang anakpawis sa kanayunan ang hagupit ng terorismo ng estado, at ng patuloy na kalbaryo ng mga indibidwal na inaresto sa pamamagitan ng mga gawa-gawang kaso.
Malakas ang ating panawagan sa pamahalaan: Ibasura ang Memorandum Order No. 32! Itigil na ang iba’t ibang porma ng atake sa mamamayan!
#JunkMO32 #StopTheAttacks