“Kung wala nang mga gaya ni Palparan sa militar, bakit may mga tulad namin?”
Ito ang tanong ni Ernan Baldomero, vice-chairperson ng Hustisya, bilang sagot sa mga pahayag ni Lt. Gen. Emmanuel Bautista, pinuno ng Philippine Army na wala na raw mga gaya ni retired Maj. Gen. Jovito Palparan sa AFP.
“Kaming mga kaanak ng biktima ng mga paglabag sa karapatang pantao ang patunay na pawang kasinungalingan ang pahayag ni Lt. Gen. Bautista na wala nang mga katulad ni Palparan,” dagdag pa ni Baldomero.
Si Ernan ay anak ni Fernando Baldomero na pinaslang noong Hulyo 2010. Ang kanyang ama ang unang biktima ng extrajudicial killing sa ilalim ng gobyernong Aquino.
“Isang malaking kahibangan na sabihing wala nang katulad ni Palparan sa hanay ng military dahil patuloy ang extrajudicial killings, enforced disappearances at iba pang paglabag. Bakit may mga gaya ni Fr. Pops Tentorio, Leonard Co, at Juvy Capion?” ani Ernan Baldomero.

Dagdag pa ni Baldomero, hanggang sa ngayon ay wala pa rin ni isang napaparusahang maysala sa 114 kaso ng extrajudicial killings sa ilalim ng gobyernong Aquino, gaya ng mga pumaslang sa kanyang ama.
“Sinasabi lang ito ni Bautista para patahimikin kami, at linlangin ang mga Pilipino,” ani Baldomero, “dahil bahagi pa rin ng Oplan Bayanihan ang paslangin ang mga itinuturing nilang kaaway ng gobyerno. Walang habas pa rin ang pag-atake ng mga militar sa mga komunidad.”
Hindi rin naniniwala ang grupo na tinutugis ng AFP ang mga sundalo nitong sangkot sa mga paglabag sa karapatang pantao. “Ang mga biktima at kaanak pa rin ang nagkakaso sa mga maysala.”
“Kung akala ni Bautista na mapapayapa niya ang nararamadaman naming sakit at galit, nagkakamali siya. Lalo lang niya kaming ginagalit sa pagsisinungaling na ginagawa niya. Saksi kami kung paano pinaslang, dinukot, tinortyur ng mga militar, ahente ng estado at mga kasapakat nito ang mahal naming sa buhay. Patuloy kaming kikilos para sa hustisya. Dapat lang managot ang militar at gobyernong Aquino sa nagpapatuloy na pagpaslang, pagdukot at paglabag sa karapatan ng mamamayan,” panghuli ni Baldomero.