Sinusuportahan namin ang magaganap na ikatlong round ng pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para talakayin ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) at iba pang sunbstansyal na usapin sa darating na Enero 19 hanggang 25 sa Rome, Italy.
Sinusuportahan namin ang magaganap na ikatlong round ng pormal na usapang pangkapayapaan sa pagitan ng Government of the Republic of the Philippines (GRP) at National Democratic Front of the Philippines (NDFP) para talakayin ang Comprehensive Agreement on Socio-Economic Reforms (CASER) at iba pang sunbstansyal na usapin sa darating na Enero 19 hanggang 25 sa Rome, Italy.
Inaasahan naming matatalakay ang mga kinakailangang sosyo-ekonomikong reporma tulad ng tunay na reporma sa lupa at pambansang industriyalisasyon para lutasin ang armadong tunggalian sa bansa. Lumalaban at naghihimagsik ang mamamayang Pilipino dahil sa patuloy na pagkasadlak sa kahirapan, kawalang trabaho at paglala ng mala-pyudal na sistema – mga dahilan kung bakit marami ang inaresto at ikinulong, at itinuturing ngayong mga bilanggong pulitikal o political prisoners.
Subalit kami’y dismayado na tila umaatras na si Pang. Rodrigo Duterte at GRP sa mga pahayag at komitment nila sa pagpapalaya ng lahat ng bilanggong pulitikal. Natapos na ang dalawang round ng pormal na peacetalks noong 2016, isang bilanggong pulitikal na ang namatay dahil sa malalang kalagayan sa loob ng kulungan, nakapaglunsad na kami at aming mga kaanak ng hunger strike at fasting noong Disyembre, at dumaan ang Pasko at bagong taon, subalit ang pahayag ni Duterte at GRP sa pagpapalaya sa mga bilanggong pulitikal ay nananatiling hanggang press release lamang.
Masahol pa, itinuturing kaming mga baraha. Tila ba gustong pasunurin ang NDFP at mamamayan sa simpleng tigil-putukan nang walang pagtalima sa mga nakaraang kasunduan, tulad ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL) at paggawad ng hustisya sa mga bilanggong pulitikal.
Patuloy ang Oplan Bayanihan sa anyo ng militarisasyon, pagkakampo sa mga komunidad at pasilidad, pananakot at saywar sa mga sibilyan. Malala pa, nagpapatuloy ang iligal na aresto, pamamaslang at iba pang paglabag sa karapatang pantao.
Nananawagan kami sa mamamayang Pilipino na patuloy na manindigan para isulong at ipaglaban ang ating mga demokratikong karapatan at interes, tungo sa kapayapaang nakabatay sa hustisya. Malaking hamon sa GRP ang mga talakayan at pagbubuo ng CASER bilang pagpapakita ng administrasyong Duterte ng kaseryosohan nito sa pagharap sa mas malalaking adyenda sa negosasyon. Patuloy ang panawagang pagpapalaya sa lahat ng bilanggong pulitikal at pakikibaka para sa panlipunang pagbabago.
Mga Bilanggong Pulitikal sa Camp Bagong Diwa
Jesus Abetria
Dionisio Almonte
Alexander Arias
Cesar Balmaceda
Diony Borre
George Bruce
Pedro Canalita Jr.
Gemma Carag
Eddie Cruz
Joseph Cuevas
Joel Enano
Edward Lanzanas
Eliseo Lopez
Rosario Loreto
Alberto Macasinag
Marites Marquez
Armando Matres Jr.
Margie Navia
Jose Nayve Jr.
Romel Nunez
Rene Nuyda Jr
Dennis Ortiz
Jovy Ortiz
Arlene Panea
Rhea Panea
Romeo Pasoot Jr.
Miguela Peniero
Ruben Rupido
Presentacion Saluta
Cenon Sambola
Elmer Torres
Miradel Torres
Rex Villaflor