Pandarahas sa mga manggagawa ng Pepmaco, kinundena ng Karapatan

Mariing kinukundena ng Karapatan ang tahasang paglabag sa
karapatan ng mga manggagawa ng Peerless Products Manufacturing Corporation
(Pepmaco) sa Laguna.

Ang Pepmaco ang gumagawa ng mga sabong panlaba kagaya ng
Champion at Calla, Systema toothpaste at Hana shampoo.

Mariing kinukundena ng Karapatan ang tahasang paglabag sa
karapatan ng mga manggagawa ng Peerless Products Manufacturing Corporation
(Pepmaco) sa Laguna.

Ang Pepmaco ang gumagawa ng mga sabong panlaba kagaya ng
Champion at Calla, Systema toothpaste at Hana shampoo.

Noong Hunyo 28, 2019, bandang ala-una ng umaga, nagulantang
ang may nasa dalawang daang (200) manggagawang nagpapahinga sa piketlayn na
itinayo ng unyon nang pinaghahampas sila ng baton at binomba ng tubig ng mga
armado at nakamaskarang kalalakihan na lulan ng dalawang van. Bukod dito,
pinagbabato pa ng naglalakihang tipak ng bato ang mga manggagawa.

Nakapagtala ng di bababa sa labing-isang (11) manggagawa ang
nasugatan at isinugod sa ospital. Winasak rin ang nasabing piketlayn, gayundin
ang inimbak na pagkain at mga personal na gamit ng mga manggagawa.

Simula noong Hunyo 24, itinayo ang piketlayn ng may nasa
dalawang daang (200) manggagawa ng nasabing pabrika sa Laguna bitbit ang
kanilang mga lehitimong panawagan laban sa masahol na kalagayan sa paggawa,
mababang pasahod, kawalan ng benepisyo, kontraktwalisasyon at malawakang
tanggalan, at union-busting. Sa kasalukuyan, nasa PHP 378 ang minimum na sahod
ng mga manggagawa kada araw sa Pepmaco, sa kabila ng labindalawang (12) na oras
na trabaho at walang day-off. Bukod rito, karamihan sa kanila ay kontraktwal,
at madalas ay lantad sa mga nakakalasong kemikal habang nagtatrabaho.

“Ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga manggagawa sa Pepmaco
ay pasilip lang sa tunay na kalagayan ng kalakhan ng mga manggagawa sa buong
bansa. Habang nalululong si Duterte sa kapangyarihan at pagpapakatuta sa US at
Tsina, patuloy namang hinaharap ng mga manggagawa ang patuloy na suliranin sa
kontraktwalisasyon, mababang pasahod, di makatarungang kalagayan sa loob ng mga
pagawaan, kawalan ng benepisyo, at iba pang paglabag sa kanilang karapatang
sibil at ekonomiko sa ilalim ng mga negosyanteng ganid sa tubo,” ani Roneo
Clamor, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Karapatan.

“Marapat lang na panagutin ang pamunuan ng Pepmaco, lalo’t
higit ang may-ari nitong si Simeon Tiu, sa sinapit ng mga manggagawang nagigiit
ng kanilang mga lehitimong karapatan at karaingan.  Gayundin, dapat ring panagutin ang Department
of Labor and Employment (DOLE) sa kanilang kawalang aksyon hinggil sa
kalunos-lunos na kalagayan,” pagwawakas ni Clamor.