Political detainees Benito Tiamzon, Wilma Austria on trumped up multiple murder charge against them

Labis na nagpapasulak ng dugo ang gawa-gawang kasong multiple murder na isinampa laban sa amin at iba pa naming kasamahan. 

Labis na nagpapasulak ng dugo ang gawa-gawang kasong multiple murder na isinampa laban sa amin at iba pa naming kasamahan. 

Nakabatay ang gawa-gawang kasong multiple murder sa pabagu-bagong testimonya o padron ng di-kapanipaniwalang pagbibintang sa sentral na pamunuan ng Partido, sa mga buto ng lumilipat ng libingan depende kung saan ito kailangan, at wala ng nagawang di-mapapasubaliang pag-eksamen ng pagkakakilanlan ng diumano’y mga biktima ng murder. 

Hindi mapipigilang isipin ang sabwatan ng Korte Suprema, Ehekutibo, militar para maipagpatuloy ang gawa-gawang kasong multiple murder sa kabila ng malulubhang depekto nito alinsunod sa sarili nitong tuntunin sa hustisya.

May proteksyon ba ang mga indibidwal mula  sa gawa-gawang mga kaso kapag nagsabwatan ang mga nasa estado poder?

Malinaw pa sa sikat ng araw ang sabwatan—mga tutang naging baril, mga butong lumilipat ng libingan.

Sanay ding magpatong ng badyet ang militar. Pinalalabas na Php14,000 kada buwan ang badyet sa mga alagang aso at pusa ng mag-asawang Rex Villaflor gayong ito ay umaabot lamang sa Php 700 kada buwan mula sa sarili nilang kita.

Malinaw na ito ay isang buhong na pakana para pagmukhaing demonyo ang rebolusyonaryong kilusan sa matang publiko, baligtarin ang katotohanang ang sentral na pamunuan ng Partido ang gumawa ng mapagpasyang hakbang laban sa isteryang anti-impiltrador, malinaw na nagdeklara sa kriminal na pananagutan ng mga pasimuno, at naglabas ng depinidong dokumento tungkol sa pagsisiyasat, paglilitis ng mga pinaghihinalaang espiya ng kaaway. Ang mga pasimuno ay itiniwalag sa Partido,  humiwalay at tumalilis sa kanilang pananagutan sa kanilang krimen. 

Ang rebolusyonaryong kilusan ay kinikilala ng masa na kanila at bahagi sila, tanging pag-asa at tamang landas upang makaahon sila sa pagsasamantala at pang-aapi. Kaya hindi mapapatid ang kawing ng masa sa Partido, BHB at NDFP sa kabila ng buhong  na mga pakana ng rehimeng US-Aquino. Alam nila ang katapatan ng P, BHB NDFP sa pagkilala sa lahat ng sagabal, sarili man nitong pagkakamali, at ang mataas na kahandaan nitong magsakripisyo upang maisulong ang demokratikong rebolusyong bayan. ###


Benito E. Tiamzon

NDFP National Consultant
ND978227


Wilma Austria-Tiamzon

NDFP National Consultant
ND978226