Albayalde at Duterte papanagutin! – Hustisya

Palala nang palala ang kultura ng kawalang-pananagutan sa mga krimen na nagawa higit lalo sa hanay ng Philippine National Police (PNP) na madalas na nasasangkot sa kidnap for ransom, pamamaslang sa gera kontra droga, at pakikipagsabwatan sa iba’t ibang mabibigat na krimen. Ito ay pinatutunayan sa isasampang kaso laban kay dating PNP chief Oscar Albayalde at iba pang kasamahan nito, ayon sa grupong Hustisya.

Ayon kay Evangeline Hernandez, tagapangulo ng Hustisya, ang pagkakasangkot ni Albayalde sa kaso ng 12 na ninja cops ng PNP sa isang malaking “buy bust operation” sa  Angeles, Pampanga noong Nobyembre 2013 ay mas lalo pang nagpapalinaw sa kabulukan ng gobyernong Duterte sa hungkag at pekeng gera kontra droga. Sa pagpapatupad nito, ani Hernandez, ang kalakhang mahihirap ang nagdusa at napaslang, samantalang ang mga sangkot na pulis at malalaking “drug lord” ay nakakalaya sa anupamang paraan.
Katulad nito ang kaso ng Koreanong negosyante na si Jee Ick Joo na dinukot noong Oktubre 2013 , na pinaslang at natagpuang patay sa loob ng Camp Crame. Ang mga salarin ay sina SPO3 Ricky Santa Isabel, Supt. Rafael Dumlao, SPO4 Roy Villegas, Jerry Omlang at Gerardo Santiago, ang may ari ng puneraria na kasabwat sa pagsunog ng bangkay ng biktima. “Makikita na ang mga salarin ay may mga katungkulan sa PNP kung saan salungat sa mandato nito na maglingkod at protektahan ang sambayanan,” sabi ni Hernandez.
Ayon sa Hustisya, nakakagalit rin ang naging pahayag ng Department of Justice (DOJ) sa posibleng isasampang  kaso sa dating PNP chief na si Oscar Albayalde na naging simpleng “graft” mula sa “conspiracy”.
“Ang mga kaanak ng mga biktima ng pamamaslang ay sumisigaw at kumikilos para papanagutin ang mga abusado sa kapangyarihan, laluna ang mga mamamatay-taong PNP at ang administrasyong Duterte. Pagtatapos ni Hernandez.