Thirty-six (36) political prisoners in Camp Bagong Diwa, Taguig City today wore black armbands to express their grief and indignation over the death of political prisoner Bernabe Ocasla on November 28 at the Jose Reyes Memorial Hospital in Manila.
At 5:30pm yesterday, 66-year old Ocasla, a peasant organizer, suffered his third and fatal cardiac arrest since Friday, November 25, when he was first brought to the hospital. He died instantly, after three days in coma.
Thirty-six (36) political prisoners in Camp Bagong Diwa, Taguig City today wore black armbands to express their grief and indignation over the death of political prisoner Bernabe Ocasla on November 28 at the Jose Reyes Memorial Hospital in Manila.
At 5:30pm yesterday, 66-year old Ocasla, a peasant organizer, suffered his third and fatal cardiac arrest since Friday, November 25, when he was first brought to the hospital. He died instantly, after three days in coma.
“We extend our condolence to the family of Bernabe Ocasla, a fellow political prisoner detained at the Manila City Jail, who passed away yesterday due to cardiac arrest. Ocasla’s death is proof of the injustice against political prisoners who are incarcerated and charged with fabricated offenses because of our political beliefs (Ipinapaabot namin ang pakikiramay sa pamilya ni Bernabe Ocasla, kapwa namin bilanggong pulitikal at nakadetine sa Manila City Jail na sumakabilang buhay kahapon bunsod ng atake sa puso. Ang nangyari kay Ocasla ay patunay sa kawalang hustisya sa aming mga bilanggong pulitikal na ikinulong at sinampahan ng gawa-gawang kaso dahil sa aming pampulitikang pananaw at paninindigan.),” they said, in a statement relayed through Karapatan.
“President Rodrigo Roa Duterte’s promise to release political prisoners, in line with the peacetalks, should have been implemented long before Ocasla’s death. Instead, the government made numerous public pronouncements and stated numerous reasons on our release, while all 400 of us remain in jail. This is a form of injustice against us and our families, who are hoping for our immediate release because of the President’s positive views on attaining just and lasting peace (Ang ipinangako ng gubyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palalayain ang mga bilanggong pulitikal, alinsunod sa balangkas ng usapang pangkapayapaan, ay matagal nang dapat ipinatupad bago pa namatay si Ocasla. Sa halip, napakaraming pahayag sa publiko hinggil sa pagpapalaya sa amin at napakaraming dahilan ang isinasaad hinggil sa pagkakabalam ng aming paglaya. Higit na inhustisya ito sa amin at sa aming mga pamilya na umaasang mapapalaya kami dahil sa positibong pananaw ng pangulo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan.),” they added.
The political prisoners criticized the “inhumane conditions in jail and the slow-paced justice system in the country as reasons for Ocasla’s long imprisonment and medical conditions.” (Ang kalunos-lunos na kalagayan sa kulungan at mabagal na takbo ng hustisya sa bansa ang naging dahilan ng matagal niyang pagkakakulong hanggang sa magkaroon na siya ng iba pang karamdaman tulad ng hypertension at bahagyang pagkabulag.)
“We reiterate our appeal to President Duterte to release all 400 political prisoners, as per the GRP’s commitment to the peacetalks with the NDFP, as we call for justice for Bernabe Ocasla and all political prisoners who died in detention (Mariin ang aming panawagan kay Pangulong Duterte na palayain ang mahigit 400 bilanggong pulitikal alinsunod sa komitment ng GRP sa peacetalks at dapat managot ang gubyerno sa nangyari kay Ocasla.),” they concluded.
___________________________________
Ipinapaabot namin ang pakikiramay sa pamilya ni Bernabe Ocasla, kapwa namin bilanggong pulitikal at nakadetine sa Manila City Jail na sumakabilang buhay kahapon bunsod ng atake sa puso. Ang nangyari kay Ocasla ay patunay sa kawalang hustisya sa aming mga bilanggong pulitikal na ikinulong at sinampahan ng gawa-gawang kaso dahil sa aming pampulitikang pananaw at paninindigan.
Ang ipinangako ng gubyerno ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na palalayain ang mga bilanggong pulitikal, alinsunod sa balangkas ng usapang pangkapayapaan, ay matagal nang dapat ipinatupad bago pa namatay si Ocasla. Sa halip, napakaraming pahayag sa publiko hinggil sa pagpapalaya sa amin at napakaraming dahilan ang isinasaad hinggil sa pagkakabalam ng aming paglaya. Higit na inhustisya ito sa amin at sa aming mga pamilya na umaasang mapapalaya kami dahil sa positibong pananaw ng pangulo sa pagkamit ng pangmatagalang kapayapaan. Ang mahigit 130 political prisoners na may mga sakit, may edad, kababaihan at matagal nang nakakulong – kung saan kabilang si Ocasla – ay dapat napalaya na, matapos ang una at ikalawang rounds ng usapang pangkapayapaan sa pagitan ng NDFP at GRP, subalit hanggang sa ngayon ay ni isa ay wala pang napapalaya.
Mapait ang sinapit ni Ocasla na nakulong dahil sa kanyang paninindigan at gawain bilang organisador ng mga magsasaka. Siya ay idinawit sa gawa-gawang kaso kung saan kabilang din sa mga kinasuhan sina Benito at Wilma Tiamzon, Satur Ocampo, Rafael Baylosis, Adelberto Silva at iba pang lider ng NDFP at lider-magsasaka. Ang kalunos-lunos na kalagayan sa kulungan at mabagal na takbo ng hustisya sa bansa ang naging dahilan ng matagal niyang pagkakakulong hanggang sa magkaroon na siya ng iba pang karamdaman tulad ng hypertension at bahagyang pagkabulag.
Mariin ang aming panawagan kay Pangulong Duterte na palayain ang mahigit 400 bilanggong pulitikal alinsunod sa komitment ng GRP sa peacetalks.
Nananawagan kami ng hustisya para kay Bernabe Ocasla at lahat ng bilanggong pulitikal na namatay habang nasa piitan.
KATARUNGAN PARA KAY BERNABE OCASLA! PALAYAIN ANG LAHAT NG BILANGGONG PULITIKAL!