Hustisya para kay Ericson Acosta at Joseph Jimenez!

Mariing kinukundena ng Hustisya (Pagkakaisa ng mga Biktima para sa Hustisya) ang brutal na pagpaslang kay peace consultant Ericson Acosta at Joseph Jimenez, organisador ng mga magsasaka.

Umaga ng Nobyembre 30, 2022 nang pinaslang ang dalawa ng pinagsanib-pwersang 47th at 94th Infantry Battalion ng Philippine Army.

Hinuli nang buhay ang dalawang biktima noong  2:00 ng madaling araw sa Sitio Makilo, Brgy. Camansi, Kabankalan City, Negros Occidental. Pagkalipas ang ilang oras ay napabalitang patay na ang dalawa. Ayon sa report, napatay ang dalawa sa engkwentro sa pagitan ng New People’s Army (NPA) at Armed Forces of the Philippines (AFP), ngunit ayon sa mga residente at saksi ay walang naganap na labanan.

Si Ericson Acosta na isang manunulat, makata, mang-aawit, at organisador na kalaunan ay naging bahagi ng  reciprocal working committee sa pagbubuo ng Comprehensive Agreement on Socio and Economic Reform (CASER) noong usapang pangkapayapaan noong 2017. Si Joseph Jimenez ay kasapi ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas (KMP) at matagal nag-organisa para sa interes ng mga magsasakang pinagkakaitan ng sariling lupa at karapatan.

Sa ilalim ng administrasyong Ferdinand Marcos Jr., pinapabangis pa ang kontra-insurhensyang patakaran para patahimikin ang taumbayan sa pagtambol ng ating mga karaingan, lalo na’t umiigting ang krisis pang-ekonomiya sa ating bansa.

Ang mga kasinungalingan at karumal-dumal na kalakaran ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa pagpaslang sa tabing ng kontra-insurhensya ay ilan lamang sa maraming paraan ng kanilang tahasang paglabag sa karapatang pantao ng mamamayan. Hindi nila kinikilala ang Comprehensive Agreement on the Respect for Human Rights and International Humanitarian Law (CARHRIHL). Dapat singilin ang gobyerno at ang berdugong AFP sa kanilang tahasang kapabayaan at pagyurak sa karapatan ng mamamayan.

Ang Hustisya ay nananawagan ng agaran at masusing imbestigasyon ng Commision on Human Rights sa pagpaslang kay Ericson at Joseph. Hindi palalampasin ng mamamayan ang kasinungalingan na binabandera ng mga berdugong mamamatay taong Arm Forces of the Philippines (AFP) sa ilalim ng mas mapaniil na administrasyong US-Marcos.