Pahayag ni Benito Tiamzon at Wilma Austria-Tiamzon tungkol sa Kasong Kidnapping with Serious Illegal Detention
Walang Kidnapping na Naganap Ang kasong kidnapping with serious illegal detention laban sa amin sa Quezon City Trial Court ay persekusyong pulitikal na nais kaming palitawing mga komon na kriminal na dapat ibilanggo nang matagal.



