Hustisya: Itigil ang red-tagging at terorismo ng estado! Hustisya para kay Benjaline Hernandez!
Mariing kinukundena ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng grupong Hustisya (Pagkakaisa ng mga Biktima para sa Hustisya) ang paggamit ng mga larawan ng dating mamamahayag pangkampus at human rights worker na si Benjaline “Beng” Hernandez sa mga propaganda kontra-komunismo sa mga lungsod ng Davao at Makati kamakailan.

