KARAPATAN sa ICC: Kumpirmahin ang mga sakdal laban kay Duterte, arestuhin ang mga kasabwat
Sa unang anibersaryo ng pagkakaaresto at detensyon ni Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), muling nanawagan ang KARAPATAN sa ICC na kumpirmahin ang mga sakdal laban kay Duterte at tumuloy sa paglilitis. Muli rin itong nanawagan na arestuhin na lahat ng mga kasabwat ni Duterte sa madugong gera kontra-droga para mapanagot na rin sila. …










